^

PM Sports

Meralco sa q’finals na

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pormal na inupuan ng Meralco ang isang quarterfinals seat matapos gibain ang Air21, 100-91, tampok ang 29 points ni import Mario West sa 2013 PBA Governor’s Cup kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Nagdagdag naman si forward Cliff Hodge ng 24 markers at 13 rebounds, habang may 17 points si guard Mike Cortez para sa Bolts.

“We’re having this reputation as a great defensive team, but we have to combine that with offense,” ani coach Ryan Gregorio. “With Mike (Cortez) around we have a stable half court game.”

Ipinoste ng Meralco ang 22-6 abante sa first period at 73-61 bentahe sa third quarter bago nakalapit ang Air21 sa 91-97 agwat mula kina Asi Taulava at Joseph Yeo sa huling 28.6 segundo ng final canto.

Matapos ang split ni Hodge para sa 98-91 kalamangan ng Bolts sa huling 27 segundo ay nakagawa naman ng turnover si import Zach Graham sa po-sesyon ng Express sa natitirang 24.1 segundo.

Ang resulta nito ay ang dalawang free throws ni Cortez buhat sa foul ni Eric Salamat sa huling 22.3 segundo na siyang nagpreserba sa panalo ng Meralco.

Samantala, kinuha ng Talk ‘N Text si Courtney Fells para palitan si Tony Mitchell at mapatibay ang kanilang pag-asa sa isang tiket sa quarterfinals.

Nakita ang 27-anyos na si Fells para sa Boston Celtics sa nakaraang NBA Summer League kung saan siya nagposte ng mga averages na 7.2 points, 1.8 rebounds at 1.6 steals.

Makakasagupa ng Tropang Texters ang nagdedepensang Rain or Shine Elasto Painters sa Miyerkules.

 

vuukle comment

ASI TAULAVA

BOSTON CELTICS

CLIFF HODGE

COURTNEY FELLS

CUNETA ASTRODOME

ERIC SALAMAT

JOSEPH YEO

MARIO WEST

MERALCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with