Mayweather aagawan ng korona si Alvarez
LAS VEGAS -- Sa kanilang weigh in pa lamang ay gusto nang dominahin ni Floyd Mayweather Jr. si CaÂnelo ‘Saul’ Alvarez.
Matapos ang kanilang weigh in ay tinangka ni MayÂweather na ipahawak kay Alvarez ang espesyal na solidong gintong World Boxing Council belt na ibiÂbigay sa mananalo.
Hinawakan ni Mayweather ang kanang kamay ni AlÂvarez na abala naman sa pagpapakita ng kanyang mga muscle.
Lumayo si Alvarez at sa halip ay tiningnan ang weigh-in record na 12,200 fans.
Tinapik ni Mayweather ang likod ni Alvarez sa haÂngaring maipahawak sa Mexican champion ang natuÂrang gold WBC belt.
Ngunit hindi pa rin siya pinansin nito na ikinagalit na ng American ‘pound-for-pound’ champion.
“I was born ready. I’m not going to let that guy tell me what to do,†sabi ng 23-anyos na si Alvarez sa 36-anyos na si MayÂÂweather.
Itataya ni Alvarez (42-0-1, 30 knockouts) ang kanyang suot na WBC junior middleweight belt kontra kay Mayweather ngayon sa MGM Grand.
Magbubulsa si Mayweather ng record guarantee purse na $41.5 milyon na maaaring lumobo pa sa $70 hanggang $80 milyon matapos ang laban.
- Latest