^

PM Sports

Gin Kings tinakasan naman ang Painters, 101-100; Mixers pasok sa quarters

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tuluyan nang inangkin ng San Mig Coffee ang ikalawang silya sa Top Four sa quarterfinal round matapos talunin ang Barako Bull, 81-77, sa 2013 PBA Governor’s Cup kahapon sa Smart Ara­neta Coliseum.

Ito ang ikaapat na dikit na ratsada ng Mixers, nakakuha ng 22 points kay Marqus Blakely kasunod ang 18 ni Allein Maliksi at 12 ni Mark Barroca.

Sinimulan ng Mixers ang fourth quarter mula sa da­lawang free throws ni Ma­liksi para sa kanilang 64-58 bentahe.

Isang 17-2 atake ang ini­lunsad nina import Mi­chael Singletary, Mark Ma­­­capagal at Dave Mar­ce­lo para ibigay sa Energy ang 75-66 kalamangan sa ilalim ng anim na minuto sa naturang yugto.

Nagbida sina Blakely, Maliksi at Barroca para itab­la ang San Mig Coffee sa 77-77 sa huling 45.2 segundo.

Ngunit ang krusyal na turnover ni Singletary sa posesyon ng Barako Bull ang naging mitsa ng ka­nilang pagkulapso.

Tumipa si Barroca ng dalawang free throws mu­la sa foul ni Danny Seigle para sa 79-77 abante ng Mi­xers sa nalalabing 18.3 se­gundo.

“I told the guys that this is going to be a hard game, much harder than they thought it’s gonna be. I told them they have to find a way to pull it out,” sabi ni coach Tim Cone sa kanyang Mixers.

Sa ikalawang laro, tumipa si Mac Baracael ng tatlong free throws ma­ta­pos ma-foul ni Beau Bel­ga sa three-point line sa hu­­ling 0.3 segundo para ita­kas ang Barangay Gi­neb­ra sa nagdedepensang Rain or Shine, 101-100, at buhayin ang kanilang tsansa sa quarterfinals.

Bago ito, umiskor mu­na si import Arizona Reid ng isang jumper sa natitirang 2.0 segundo para sa 100-98 abante ng Elasto Painters sa Gin Kings.

Samantala, tatargetin ng Petron Blaze ang ka­nilang pang-walong sunod na panalo sa pagharap sa Globalport ngayong alas-6:30 ng gabi matapos ang labanan ng Air21 at Me­ralco sa alas-4:15 ng ha­pon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

San Mig Coffee 81 - Blakely 22, Maliksi 18, Barroca 12, Devance 8, Simon 8, Mallari 5, Pingris 5, Yap 3, Reavis 0.

Barako 77 - Singletary 38, Macapagal 16, Pennisi 6, Marcelo 5, Seigle 5, Cruz 3, Jensen 2, Villanueva 2, Monfort 0, Buenafe 0, Intal 0.

Quarterscores: 17-20; 39-31; 61-58; 81-77.

Ginebra 101 - Caguioa 32, Lowhorn 31, Ellis 11, Baracael 8, Tenorio 8, Mai­er­hofer 6, Helterbrand 3, Ma­maril 2, Urbiztondo 0, Wilson 0.

Rain or Shine 100 - Reid 40, Quiñahan 12, Lee 11, Belga 10, Araña 8, Chan 5, Uyloan 4, Norwood 4, Cruz 2, Matias 2, Tang 2, Rodriguez 0, Ibañes 0.

Quarterscores: 21-26; 47-49; 70-79; 101-100.

ALLEIN MALIKSI

ARIZONA REID

BARAKO BULL

BARANGAY GI

BARROCA

SAN MIG COFFEE

SHY

SINGLETARY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with