Payton, Petino iba pa Hall of famers na
MANILA, Philippines - Sina nine-time NBA All-Star Gary Payton at college coaching great Rick Pitino ang dalawa sa nakasama sa class of 2013 na iniluklok sa Basketball Hall of Fame.
Naglaro si Payton, isa ring nine-time NBA All-Defensive Team selection at 1996 Defensive Player of the Year, ng 17 taon sa NBA para sa mga koponan ng Seattle, Milwaukee, Lakers, Boston at Miami.
Nagtala siya ng average na 16.3 points at tinapos ang kanyang career na pang-apat sa all-time record sa steals na 2,445 at pang-walo sa assists sa itinalang 8,966.
Isang Olympic gold medal winner na bahagi ng original Dream Team noong 1996 at 2000, nakamit ni Payton ang NBA title sa Miami Heat noong 2006.
“As players, we dream of this moment but don’t expect to be here,†wika ni Payton.
Si Pitino, iginiya ang Louisville sa national collegiate title noong Abril, ang tanging coach sa men’s college basketball history na tumulong sa tatlong magkakaibang eskuwelahan sa NCAA Final Four. Ang mga ito ay ang Providence, Kentucky at Louisville.
Iginiya niya ang Kentucky noong 1996 national championship at naging unang coach na nanalo ng isang national title sa dalawang magkaibang eskuwelahan nang akayin ang Louisville sa panalo kontra sa Michigan ngayong taon para sa korona.
“Coaches don’t just get into the Hall of Fame. Players put them into the Hall of Fame,†wika ni Pitino.
Ang isa pang college coaching great na si Jerry Tarkanian ay isa rin sa mga inductees.
Tinulungan ni Tarkanian ang University of Nevada, Fresno State at Long Beach State sa NCAA Tournament sa kanyang mahabang career na nagtampok sa apat na Final Four at isang national championship noong 1990 para sa UNLV.
- Latest