Rising Suns isusugal ang malinis na kartada
MANILA, Philippines - Isa lamang sa Cagayan Province at PhiÂÂlipÂpine ArÂmy ang maÂÂnanatiling waÂlang talo matapos ang laÂrong magaganap sa Shakey’s V-League Season 10 Open Conference ngaÂyon sa The Arena sa San Juan City.
Ang dalawang kopoÂnan na nasa unang dalawang puwesto sa liga ay magsusukatan sa tampok na laro sa alas-4 ng hapon.
Unang magtatagisan sa ganap na alas-2 ang PhiÂlippine Navy at ang Far Eastern University at ang magwawagi ay papaÂsok sa win-column.
May 0-3 record ang NaÂvy, habang nasa ilalim ang Lady Tamaraws sa 0-4 marka sa waÂlong koponang kasali kaya’t asahan na magiging mainitan ang bakbakan dahil tiyak na ayaw ng dalawang ito ang mamaalam agad sa komÂpetisyon.
Nasa quarterfinals na ang Lady Rising Suns sa 5-0 baraha pero kailaÂngan pa nila na manalo dahil carry-over ang karta ng anim na aabanteng tropa sa susunod na round.
Walang dudang sa attacks aasa ang Cagayan daÂhil na sa kanila ang maÂhuhusay na spikers katulad nina Thai import Kannika Thipachot, Angeli TaÂbaquero at Aiza Maizo.
Pero babawiin ito ng LaÂdy Troopers sa solidong depensa at ang matikas na paglalaro ni Jovelyn Gonzaga.
Si Gonzaga ay nasa ika-walong puwesto sa scoÂring mula sa kanyang 47 puntos.
Sina MJ Balse, Nene Bautista, Michelle CaroliÂno, Cristina Salak at JoanÂne Bunag ang iba pang puÂwedeng kuminang para sa Army.
- Latest