St. Benilde inilugmok ang Mapua
MANILA, Philippines - Nagbida si Paolo Taha sa fourth quarter para tuÂluÂngan ang College of St. Benilde sa 74-62 paggiba sa sibak nang Mapua sa seÂcond round ng 89th NCAA men’s basketball tourÂnament kagabi sa The AreÂna sa San Juan City.
Humugot si Taha ng siÂyam sa kanyang game-high na 25 points sa final canÂto para ibigay sa BlaÂzers ang pang-limang panalo.
Sa likod ni Kenneth IgÂhalo, nakalapit ang CarÂdinals sa third period, 47-50.
Subalit nagtuwang siÂna Taha, Mark Romero at JoÂnathan Grey para sa pagÂlayo ng St. Benilde ni coach Gabby Velasco sa fourth quarter.
Nagtumpok sina RoÂmero at Grey ng pinagsamang 11 markers sa final canÂto at tumapos na may 13 at 14 points, ayon sa pagÂkakasunod.
Nalasap naman ng MaÂpua ni Atoy Co ang kaÂnilang ika-siyam na sunod na kamalasan.
St. Benilde 74 -- Taha 25, Grey 14, Romero 13, Bartolo 8, Saavedra 4, Garcia 4, Sinco 2, Argamino 2, DeÂles 2, Jonson 0, Carlos 0, Ongteco 0, Mercado 0.
Mapua 62 -- Ighalo 20, Eriobu 12, Saitanan 11, BiÂteng 8, Isit 4, Brana 3, MagÂtoÂto 2, Cantos 2, Guzman 0, Gonzalez 0, Magsigay 0, EsÂtrella 0.
Quarterscores: 14-10; 28-26; 50-47; 74-62.
- Latest