Tamaraws inangkin ang Final Four seat
MANILA, Philippines - Bumangon ang Far Eastern University mula sa dalawang sunod na kaÂmalasan para angkinin ang tiket sa Final Four matapos talunin ang AÂdamson University, 92-80, sa second round ng 76th UAAP men’s basketÂball tournament kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Umiskor si guard Terrence Romeo ng 32 points para banderahan ang tagumpay ng Tamaraws.
Isang 19-3 atake sa likod ni Romeo ang ginawa ng FEU third period para kunin ang 63-45 kalamangan matapos makuha ng Adamson ang 23-21 abante sa first quarter.
Gumanti naman ang Falcons ng isang 10-2 atake sa pangunguna nina Roider Cabrera at Harry Petilos bago ang salaksak ni RR Garcia na muling naglayo sa Tamaraws sa 67-55 papunta sa final period.
Ang three-point shot ni Romeo ang nagpadyak sa 80-61 kalamangan ng FEU sa huling limang miÂnuto ng laro.
Sa unang laro, pinayuÂkod ng University of Sto. Tomas ang UniversiÂty of the Philippines, 63-39, para palakasin ang kaÂniÂlang tsansa sa isang silya sa Final Four.
Kumolekta si Aljon MaÂriano ng 18 points at 10 rebounds para sa UST, habang nagdagdag si import Karim Abdul ng 21 boards, 7 points at 4 blocks.
Ang 39 points ng UP ang dumuplika sa naiskor ng National University konÂÂtra sa five-time champions Ateneo De Manila UniÂÂversity noong SetÂyemÂbre 11, 2001.
UST 63 - Mariano 18, Ferrer 12, Teng 9, Daquioag 9 Abdul 7, Bautista 3, Pe 2, Faundo 2, Lao 1, Lo 0, Sheriff 0, Hainga 0, Tan 0.
UP 39 - Marata 12, Lao 6, Soyud 5, Ball 5, Wong 2, SuaÂrez 2, Gallarza 2, Desiderio 2, Asilum 2, Harris 1, Pascual 0, Paras 0, Gingerich 0, Amar 0.
Quarterscores: 14-13; 23-20; 40-33; 63-39.
FEU 92 – Romeo 32, Belo 18, Garcia 14, Cruz 8, Mendoza 7, Tolomia 5, Sentcheu 2, Pogoy 2, Lee Yu 2, Jose 2, Iñigo 0, Luz 0, Dennison 0, Delfinado 0, Aguilon 0.
Adamson 80 – Trollano 25, Cruz 13, Rios 11, Brondial 9, Iñigo 7, Sewa 6, Petilos 3, Cabrera 3, Cabigas 2, Monteclaro 1, Ochea 0, Julkipli 0, Agustin 0.
Quarterscores: 21-23; 44-40; 67-55; 92-80.
- Latest