Banchero, anak ni Asaytono sali sa PBA -D-League draft
MANILA, Philippines - Fil-foreign players sa bansa at anak ng dating PBA great ang inaasahang pag-aagawan sa 2013 PBA D-League Rookie Draft.
Sina Chris Banchero at Jerrold Nielsen Asaytono, anak ni many-time All-Star at Mythical Team selection Nelson Asaytono, ang nangunguna sa 10 aplikante para sa PBA D-League Rookie Draft sa Setyembre 19.
Ang iba pang nasa listahan ay sina Fil-Australian Hibelito Timothy, Mark Anthony Lopez ng Jose Rizal University, Kenneth Agustin ng PSBA, Rodan Reducto ng Arellano, Marlon Angeles ng TUP, Fil-Ams Alexander Austria, Medel Bencito at Vince Anthony Fran, anak ni dating UST stalwart Raymund Fran.
Naging sandata ang 6-foot-1 point guard na si Banchero mula sa Seattle Pacific University sa pagwalis ng San Miguel Beermen laban sa Indonesia Warriors sa nakaraang ASEAN Basketball League Finals.
Ang kanyang two-year stint sa Beermen ang inaasahang mag-aakyat sa kanya bilang isang potensiyal na top pick sa PBA D-League Draft.
Ang unang anim na picks ay pag-aari ng mga founding members na Cafe France, Cebuana Lhuillier, Boracay Rum, Big Chill, Blackwater Sports at NLEX.
Ang No. 7 pick ay bubunutin ng Cagayan Valley kasunod ang Hog’s Breath at Jumbo Plastic.
Ang lahat ng mga bagong players ay dapat magsumite ng aplikasyon sa Draft para makalaro sa 2014 D-League season sa Oktubre 24 sa Ynares Sports Arena.
Ang isang bagong player na nasa listahan ng mga ‘varsity players’ ng isang ‘school-based team’ ay hindi na kailangang sumali sa Draft.
Ngunit mawawala naman ang karapatan niyang maglaro kung magpapalit ng status ang kanyang “school-based team†sa anumang bahagi ng torneo.
- Latest