Corpus Christi nanguna sa CDO Milo Little Olympics
MANILA, Philippines - May 5,202 student-athletes ang naglaban para sa ginto at karangalan sa katatapos lamang na Mindanao leg ng 26th Milo Little Olympics sa Don Gregorio Pelaez Sports Center sa Cagayan de Oro City kung saan namayagpag ang Corpus Christi School sa tatlong araw na kompetisyon.
Kumopo ang mga batang atleta ng Corpus Christi School ng 163 points para mabawi ang secondary overall title mula sa karibal na Misamis Oriental General Comprehensive High School (MOGCHS) at nagtala ng 107.5 points para maungusan ang defending champion Caga-yan de Oro City Central School sa elementary level.
Pangungunahan ng Corpus Christi ang Team Mindanao sa National Finals sa October.
Nanalo ang mga Corpus Christi School elementary division bets sa basketball, lawn tennis, taekwondo, volleyball at badminton. Ang Iligan City Central School ang third placer sa kanilang 66 points kasunod ang Sta. Maria Central School-Zamboanga (65) at Cugman Elementary School (56).
- Latest