Loyzaga suportado ng UAAP Board
MANILA, Philippines - Buo ang suporta ng UAAP board kay Commissioner Chito Loyzaga na nagpalabas ng mga kontrobersyal na suspension sa mga manlalaro partikular na sa mga players sa UE Red Warriors.
Sa pagdalo ni UAAP board secretary Malou Isip at host Adamson team manager Gilbert Cruz sa PSA Forum kahapon, ipinaliwanag ng una na ang kanilang kautusan kay Loyzaga ay gawin ang mga desisyon na para sa ikaaa-yos ng liga.
“We gave him the authority to give sanctions to the players para maging aware sila on their plays. We believe in Loyzaga and the board has good faith in him,†wika ni Isip.
Ang UE ang labis na tinamaan ng mga suspension matapos patawan ng two-game suspension si 6’8†center Charles Mammie. Siya ay hindi nakalaro sa natalong laro kontra sa National University at wala pa rin sa mahalagang laban kontra sa La Salle ngayon.
Ang kakampi ni Mammie na si Ralf Olivarez ay nagbigyan naman ng hiwalay na two-game suspension matapos ang pa-nanakit kina Robin Roño at Joeffrey Javillonar ng NU na magsisimula ngayon.
May mga nagsasabing pinupuntirya ni Loyzaga ang UE pero agad itong isinantabi ni Isip.
“He has displayed fair play and sportsmanship and was able to explain his (Loyzaga) side. Wala ka-ming nakikita na nagiging bias siya,†dagdag ni Isip.
Kasabay nito ay walang nakikitang kaparusahan si Isip laban kay Ateneo coach Bo Perasol matapos makipagsagutan sa La Salle supporter na si JJ Atayde. Ang paghingi ng paumanhin ng magkabilang panig ang pinaniniwalaan niyang magsasara sa isyu.
- Latest