^

PM Sports

Army volleybelles dumiretso sa 3-0

Pang-masa

MANILA, Philippines -Sumakay ang Philippine Army sa impresibong performance ni Jovelyn Gonzaga  upang igupo ang Phl National Police, 25-14, 25-15, 25-15, para sa kanilang ikatlong sunod na panalo sa Shakey’s V-League Season 10 Open Confe-rence na nagpatuloy sa The Arena sa San Juan City kahapon.

Nagtala si Gonzaga ng  21 hits, 15 sa spikes, five sa blocks at service ace upang manatiling  walang talo ang Lady Troopers at tumatag sa ikalawang puwesto.

“Alam natin na maga-ling talaga siya sa opensa at depensa. Kailangan lang turuan kung saan niya ilalagay ang tira at kung saan siya dedepensa,” sabi ni Army coach Rico de Guzman.

“I’m still new in the team but I’m happy I’m helping the team in as much as a I can,” sabi naman ni Gonzaga.

Ang panalo ay nagtulak sa Army, nanalo sa Phl Air Force, 25-22, 25-13, 25-18 noong Aug. 25 at Phl Navy, 25-14, 25-12, 25-13 noong nakaraang linggo, para dumikit sa nangungunang Cagayan Province na may impresibong 4-0 win-loss record.

Nalasap naman ng mga Police Women ang ikatlong sunod na talo matapos ang 17-25, 25-17, 25-21, 15-25, 9-15 kabiguan sa Meralco sa league opener noong Aug. 18 at 14-25, 15-25, 17-25 pagkatalo sa Smart-Maynilad makalipas ang 5-araw.

Wala ring hirap ang pagsungkit ng ikatlong panalo sa limang laro ng Meralco matapos ang 25-21, 25-22, 25-16 straight sets panalo sa Philippine Navy sa ikalawang laro.

Hindi nadepensahan ng Navy Sailors ang 6’3” import ng Power Spikers na si Coco Wang at Fille Caing-let tungo sa pag-angat ng Meralco sa 3-2 baraha.

CAGAYAN PROVINCE

COCO WANG

FILLE CAING

GONZAGA

JOVELYN GONZAGA

LADY TROOPERS

MERALCO

NAVY SAILORS

OPEN CONFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with