Odom inaresto dahil sa DUI
MANILA, Philippines - Inaresto si Lamar Odom nitong Biyernes ng umaga dahil sa hinihinalang pagmamaneho ng lasing o driving under the influence (DUI) matapos mamataan ng California Highway Patrol officers ang 14-year NBA veteran na hindi maayos ang pagmamaneho sa 101 Freeway sa San Fernando Valley, ayon sa mga reports.
Unang iniulat ng Celebrity Gossip and entertainment news show na TMZ noong Biyernes na pinatabi ang sasakyan ng 33-gulang na si Odom dahil mas mabagal ang takbo nito sa 50 MPH at hindi nito pinansin ang mga pulis nang dumaan pa ng tatlong exits bago ito huminto.
Ayon sa ulat ng Los Angeles Times, nakita ng mga CHP officials na paekis-ekis ang takbo ng puting Mercedes SUV ni Odom na senyales ng DUI at diumano’y hindi rin nito nagawa ang field sobriety tests matapos ituro at ipakita sa kanya kung paano gawin.
- Latest