^

PM Sports

Kabayong Buhawi nanalasa uli

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nanalasa uli ang kabayong Buhawi para wakasan ang kampanya sa buwan ng Agosto bitbit ang dala-wang dikit na panalo noong Sabado sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.

Diniskartehan ni Jessie Guce, ang Buhawi ay hindi naubos matapos ang malakas na pag-alis tungo sa banderang tapos sa class division 1C sa 1,000-metro distansyang karera.

Ang Meadow Lad na hawak ni Antonio Alcasid Jr. ang humabol sa Buhawi at sa rekta ay halos magkasabay na sila para asahan na magiging mainit ang tagisan sa huling mga metro ng karera.

Ginamitan na ni Alcasid ng latigo ang sakay na kabayo pero malakas pa ang Buhawi para lumayo uli tungo sa halos apat na dipang agwat sa meta.

Ang dalawang kabayo rin ang naglaban noong Agosto 25 sa bagong race track at napatunayan ng Buhawi na kaya niya ang hamon ng Meadow Lad.

Patok ang dalawang kabayong ito at ang win ay mayroong P7.00 habang P7.50 naman ang inabot ng 5-4 forecast.

Dumalawa rin ang kabayong My Keys nang ma-ngibabaw sa class division 3 na pinaglabanan sa mas mahabang 1,400-metro distansya.

Masasabing nag-jogging lamang ang nasabing kabayo na ginabayan ni JAA Guce at sa unang kurbada lamang nakaporma ang Lucky Touch na  nakauna ngunit nang tumodo na ang My Keys ay inagaw na ang bandera sa kalagitnaan ng karera tungo sa halos anim na dipang panalo.

Limang kabayo naman ang naglaban para sa ikalawang puwesto na nakuha ng kabayong Malambing.

Ikalawang sunod na panalo din ito ng My Keys na patok din sa ibinigay na P7.50 dibidendo habang ang 3-7 forecast ay naghatid ng P13.00.

 

vuukle comment

AGOSTO

ALCASID

ANG MEADOW LAD

ANTONIO ALCASID JR.

BUHAWI

JESSIE GUCE

LUCKY TOUCH

MEADOW LAD

METRO TURF CLUB

MY KEYS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with