Malakas ang Power Over
MANILA, Philippines - Puno ng enerhiya na kuÂmarera ang kabayong PoÂwer Over para maunsiyami ang bayang-karerista na nanalig na maiuuwi ang premyo sa second WinÂner-Take-All noong BiÂyernes ng gabi sa San LaÂzaro Leisure Park sa CarÂmona, Cavite.
Si EP Nahilat ang hiÂnete ng pitong taong kaÂbayo na anak ng ShooÂting Star at Holy Toast at kuÂmawala ito sa huling 50-metro sa 1,400-metro class division 1-A laban sa mga kasabayang How Did You Know at Krissy's Gift para sa panalo ng long shot na kabayo.
Ang Krissy’s Gift na haÂwak ni RM Ubaldo, How Did You Know na saÂkay si Pat Dilema at SemÂper Fidelis na iginiya ni Mark Alvarez ang mga naÂpaboran sa 10 na kabaÂyong kumarera.
Ang Semper Fidelis at How Did You Know ang naunang nagbakbakan sa pagbubukas ng aparato, haÂbang nasa ikatlong puwesto ang Power Over.
Naubos sa kalagitnaan ng karera ang Semper FiÂdelis at mula sa labas ay ruÂmeremate na ang PoÂÂÂwer Over, habang bumuÂmubulok sa balya ang KrisÂsy’s Gift para maging three-horse race ang labaÂnan pagpasok sa rekta.
Nagdiwang ang mga deÂÂhadista dahil pumalo sa P115.50 ang dibidendo sa win, habang P890.50 ang inaÂÂbot sa 8-4 forecast.
Dahil sa di inaasahang panalo, nagkaroon ng carryover ang 2nd WTA na nasa P1,048,984.83 at ito ay ikakarga sa pagbabalik ng karera sa Manila Jockey Club Inc.
- Latest