Tambeling namayani para sa panalo ng Letran
MANILA, Philippines - Bagama’t napatalsik sa 7:12 pa sa fourth quarter ay naging instrumento naman ng Knights si rookie John Jovit TambeÂling.
Umiskor ng walo sa kanÂyang 13 points si TamÂbeÂling sa fourth quarter paÂra tulungan ang Letran College sa 77-70 pananaig laban sa Mapua sa 89th NCAA men’s basketball tournament kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Hindi natapos ni Tambeling ang laro matapos mapatalsik dahil sa paniniko kay Darrel Dave Magsigay ng Cardinals sa 7:12 sa final canto.
Nagposte si Kevin Racal ng mga season-highs na 23 points at 10 rebounds para pangunahan ang Knights, habang nagdagdag si Raymond Almazan ng 16 markers.
Sa pagbandera nina Kenneth Ighalo, Mark Brana at Joseph Eriobu ay nakuha ng Mapua ang tatlong yugto ng laro.
Tumipa sina Ighalo at Brana ng 19 at 15 points, ayon sa pagkakasunod, habang may 13 si Eriobu para sa Mapua.
Letran 77 -- Racal 23, Almazan 16, Tambeling 13, Cruz 6, Ruaya 4, Nambatac 4, Buenaflor 4, Gabawan 3, Castro 2, Belorio 2, Po 0, Luib 0, Olotu 0, Publico 0.
Mapua 70 -- Ighalo 19, Brana 15, Eriobu 13, Biteng 7, Magsigay 6, Gabo 4, Isit 3, Layug 2, Cantos 1, Gonzalez 0, Estrella 0.
Quarterscores: 17-20; 37-40; 58-56; 77-70.
- Latest