^

PM Sports

Ikatlong sunod na panalo inangkin ng Mighty Zeus

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinapos ng Mighty Ze­us ang pagtakbo sa buwan ng Agosto bitbit ang isa pang panalo noong  Huwebes ng gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Sa isang 3YO Handicap 1 idinaos ang karera sa 1,200-metro distan­sya at ang Mighty Zeus ay ginabayan ngayon ni Mark Alvarez ngunit hin­di nagbago ang tikas ng pag­takbo habang sinasakyan noon ni Jeff Zara­te.

Ikatlong sunod na pa­na­­lo ito ng kabayong bi­nigyan ng pinakamabigat na handicap weight na 56 kilos at hindi pinaporma ng tambalan ang second choice na Madame Rhea sa pagdadala ni RV Pobla­cion at napatawan ng pi­nakamagaan na handicap weight na 49 kilos.

Naghatid ang win ng P6.00, habang P7.00 ang ibi­nigay sa 4-3 forecast.

Nagpasikat din ang mga di napaborang mga ka­bayo sa bakuran ng Phi­lippine Racing Club Inc. (PRCI).

Ang lumabas bilang long shot sa gabing ito ay Ubolt na ginabayan din ni Al­varez, habang ang pa­ngalawang dehado ay ang Hot Momma.

Sa race 5 na isang 3YO Special Handicap Race sa 1,200-metro distan­sya nakuha ni Alvarez ang ikalawang panalo sa gabi nang gabayan ang Ubolt sa panalo na kanyang una m­atapos ang tatlong takbo sa buwan ng Agosto.

Ang napaborang Nurture Nature  na pumang-anim sa Lakambini Stakes Race sa pagdadala ni Pat Dilema ngunit ngayon ay sa­kay si CP Henson ay pu­mang-apat lamang.

Nasegunda ang Mistah sa pagdadala ni Antonio Al­casid Jr. upang matuwa ang mga dehadista dahil umabot sa P49.50 ang win, habang P375.00 ang dibidendo sa 5-1 forecast.

Nagbunga naman ang pagbabalik ni Chris Garganta sa ibabaw ng Hot Momma nang bumalik ang tikas ng kabayo at ma­nalong muli.

Galing ang kabayo sa pang-siyam na puwestong pagtatapos sa Lakambini Stakes race sa pagdiskarte ni Alcasid.

AGOSTO

ANTONIO AL

CHRIS GARGANTA

HOT MOMMA

JEFF ZARA

LAKAMBINI STAKES

LAKAMBINI STAKES RACE

MADAME RHEA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with