^

PM Sports

Davao City namamayagpag sa Batang Pinoy

Pang-masa

TAGUM CITY , Philippines  â€”Kumolekta ang Da­­vao City ng nga gintong medalya mu­la sa judo, taekwondo at swimming at iwanan ang General Santos City sa ka­rera para sa overall title sa Mindanao qua­lifying leg ng 2013 Batang Pinoy Games.

Matapos kumuha ng apat kamakala­wa ay dinagdagan naman ni Samantha Cam­bronero ng dalawa ang kanyang ko­leksyon ng gold medals sa kanyang mga panalo sa girls’ 13-15 200-meter in­dividual medley at 100m breast stroke sa Davao del Norte Sports and Tourism center swimming pool.

Limang ginto naman ang iniambag ni Fritz Jun Rodriguez sa boys’ 12-under division sa pagtatapos ng swimming competitions.

Sa kabuuan, humakot ang Davao Ci­ty ng 29 gold medals sa swimming ka­sama ang mga panalo nina Sheanetelle Fox, Katrina Nicole Aguelo, Juan Antonio Mendoza, Chyll Bea Amparo, Zoe Marie Hilario at Pia Alissandra Ballos.

Nanaig din ang Davao City sa judo at taekwondo mula sa kanilang 13 gold me­­dals para sa kabuuan  nilang 49 gold, 40 silver at 26 bronze medals.

Ang mga nagwagi ay sina judokas James Ryan (-73kg), Andre Tequin (-55kg) at Chino Tancontian (-50kg) sa boys’ division, habang nanaig sina Sydney Tancontian (-70kg), Charrisse Ase­ne­ta (-52kg), Steffany Calamba (-44kg) at Jhanen Marcos (-40kg) sa girls side.

ANDRE TEQUIN

BATANG PINOY GAMES

CHARRISSE ASE

CHINO TANCONTIAN

CHYLL BEA AMPARO

DAVAO CI

DAVAO CITY

FRITZ JUN RODRIGUEZ

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with