^

PM Sports

Orcollo hindi pa nakukuha ang insentibo dahil sa BSCP

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang kawalan ng opis­yal na komunikasyon ng pa­munuan ng Billiards and Snooker Congress of the Philippines (BSCP) ang dahilan kung ba­kit hin­di pa maibigay ang in­sen­tibo ni Dennis Or­collo.

Si Orcollo ay nanalo ng bronze medal sa naida­os na World Games na gi­nawa sa Cali, Colombia.

Naunang sinabi ni PSC chairman Ricardo Garcia na dapat ay ma­bigyan ng insentibo si Or­collo dahil sa kanyang ka­rangalan.

Subalit hindi makakilos ang ahensya dahil wa­la pang ulat ang BSCP.

“Nasabi kasi ni Dennis na every four years ang World Games kaya kung to­too ito ay mayroon siya talagang makukuhang incentive base sa Incentives Act. Pero wala pa kaming makuha ng official report sa BSCP kaya di ma-verify ito,” paliwanag ni PSC ex­cutive director Atty. Guillermo Iroy Jr.

Samantala, igagawad ngayong gabi ng PSC ang pagkilala sa mga nanalo  sa 27th FIBA Asia Men’s Championship, Asian Indor Martial Arts Games at Asian Youth Games.

Nasa P1.8 milyon ang insentibong ibibigay ng PSC sa simpleng sere­monya bilang pagkilala sa karangalan na ibinigay  sa bansa.

Ang kasapi ng men’s basketball team na nanalo ng pilak sa 2013 FIBA-Asia Championships para maipasok ang Pilipinas sa FIBA World Cup sa susunod na taon sa Spain ay bibigyan ng P1 mil­yong in­sentibo na kanilang pag­hahatian.

“Ito ay inisyatibo ng PSC dahil wala sa Incentives Act ang mga tournaments na ito. Nasa P1.8 ang halaga na ibibigay at ito ay kukunin sa savings ng PSC,” ani Iroy.

ASIA CHAMPIONSHIPS

ASIA MEN

ASIAN INDOR MARTIAL ARTS GAMES

ASIAN YOUTH GAMES

BILLIARDS AND SNOOKER CONGRESS OF THE PHILIPPINES

DENNIS OR

INCENTIVES ACT

SHY

WORLD GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with