^

PM Sports

Kung mananalo sa kanilang mga laban: Pacquiao-Marquez posible sa 2014

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kung parehong mananalo sina Filipino world eight-divison champion Manny Pacquiao at Mexican world four-division titlist Juan Manuel Marquez sa ka­ni­-kanilang mga laban ay may tsansang muli silang mag­­sagupa sa pang-limang pagkakataon sa 2014.

Ito ang sinabi ni World Boxing Organization president Francisco ‘Paco’ Valcarcel sa panayam kahapon ng Bo­xingScene.com.

Ayon kay Valcarcel, ipag-uutos niya ang paghaharap nina Pacquiao 54-5-2 ( 38 KOs) at Marquez (54-6-1, 40 KOs) sakaling manalo ang dalawa sa kanilang mga nakatakdang laban ngayong taon.

Sasagupain ni Pacquiao si Brandon ‘Bam Bam’ Ri­os sa Nobyembre 23 sa The Venetian sa Macau, China.

Hahamunin naman ni Marquez si WBO welterweight titlist Timothy Bradley, Jr. sa Oktubre 12 sa Tho­mas & Mack Center sa Las Vegas, Nevada.

Kung maaagaw ng 40-anyos na si Marquez ang na­sabing titulo sa 30-anyos na si Bradley at manalo ang 34-anyos na si Pacquiao sa 27-anyos na si Rios ay mag-uutos ang WBO na itaya ni Marquez ang natu­rang korona laban kay Pacquiao sa 2014.

“If Marquez and Pacquiao both win, the World Bo­xing Organization regulations would view the Filipino as (the mandatory) challenger to Juan Manuel,” wika ni Valcarcel.

Ang naturang WBO crown na suot ni Bradley ay nanggaling kay Pacquiao na kanyang ginulat sa pamamagitan ng kontrobersyal na split decision win noong Hunyo 9, 2012.

Matapos ito ay bumagsak naman si Pacquiao kay  Mar­quez sa sixth round sa kanilang ikaapat na pagta­tagpo noong Disyembre 8, 2012.

Paglalabanan nina Pacquiao at Rios para sa WBO In­­ter­national welterweight title, ayon kay Valcarcel.

“Pacquiao goes against Rios for the WBO International title, while Marquez will attempt to capture the world welterweight championship of the WBO from Brad­ley,” ani Valcarcel. “If both win the bout between them would be ready, but of course, the fighters have the last word.”

Nauna nang sinabi ni Marquez na ayaw na niyang labanang muli si Pacquiao matapos ang kanyang pagpapatulog sa Sarangani Congressman noong Disyembre ng 2012.

“There are no plans (to fight after Bradley). We’ll leave this commitment first, and then see. First I want to see how I feel and if I plan continue with my career,” pa­hayag ni Marquez sa posibilidad ng muli niyang pag­harap kay Pacquiao.

Sa kanyang pagtangging muling sagupain si Pacquiao ay pinili ni Marquez na hamunin si Bradley para sa inaasam niyang pang-limang world boxing crown.

BAM BAM

BRADLEY

DISYEMBRE

FIRST I

IF MARQUEZ AND PACQUIAO

MARQUEZ

PACQUIAO

SHY

VALCARCEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with