AR Villegas iginiya ang Rabble Rouser
MANILA, Philippines - Nakuha ni AR Villegas ang diskarte sa kabaÂyong Rabble Rouser para makatikim muli ng panalo ang kabayo na nangyari noÂong Martes ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Ikalawang sunod na pagÂdiskarte ito ng hinete at napalabas niya ang tikas na nakita sa Rabble Rouser nang manalo sa PCSO race noong Abril sa pagdodomina sa 3YO HanÂdicap race four.
Sa 1,400-metro ang disÂtansyang pinaglabanan sa karerang nilahukan ng siyam na kabayo at buo na dumating ang Rabble Rouser para hiyain ang mga pinaborang Boss Jay at Big Boy Vito.
Ang makinang na takbo ay tumabon sa pang-anim na puwesto lamang na pagtatapos ng tambalan noong Hulyo 13 sa naÂsabing race track.
Dahil hindi napaboran ay nagdiwang ang mga deÂhadista na pumanig sa Rabble Rouser dahil ang win ay nagpasok ng P137.50, habang ang 6-1 forecast ay naghatid pa ng mas magandang P576.50 dibidendo.
Ang iba pang karera ay pinagharian ng mga naÂpaborang lahok kasama na ang Angel of Mercy na kampeon sa 2YO Maiden Division na pinaglabanan sa 1,300-metro distansya.
Si EM Raquel ang hinete ng kabayong tumakbo kasama ang coupled enÂtry Lady Wind at tinalo ng Angel Of Mercy ang WilÂlingandable na sinakÂyan ni Pat Dilema at gaÂling sa pangatlong pagtaÂtapos sa isang novatos race noÂong Hunyo 13.
Patok ang coupled enÂtries para makapaghatid ng P6.50, habang nasa P19.50 ang 4-5 forecast.
Kasama rin sa nakaÂpagbigay ng panalo ay ang apprentice jockey na si RV Leona sa ibaba ng kabayong C Bisquick sa class division 4 race na pinaglabanan sa 1,400-metro distansya.
Nanatiling walang taÂlo ang kabayo sa huÂling tatÂlong buwan at hindi umubÂÂra ang hamong hatid ng Top Wise na bumaba ng grupo at ngayon ay hawak ni Mark Alvarez.
Kalat ang benta sa 10 kaÂbayong sumali kaya’t nagÂhatid pa ng P15.00 ang win, habang P71.00 ang 3-4 sa forecast.
- Latest