Esguerra umangat kay Abalos
MANILA, Philippines - Tunay na balikatan ang labanan para sa paraÂngal bilang horse owner ng taon.
Nagpalitan muli ng puÂwesto ang matitikas na may-ari ng kabayo na sina Hermie Esguerra at Mandaluyong City MaÂyor Benhur Abalos habang nakaabang naman sa malayo si Aristeo Puyat maÂtapos ang buwan ng HulÂyo.
Si Esguerra na naÂpag-iwanan ng halos P200,000.00 ni Abalos sa buÂwan ng Hunyo ay lumaÂyong muli nang umangat na sa P7,598,167.56 ang kanyang kita.
Anim na panalo ang naiÂdagdag sa karta ng EsÂguerra stable para lumaÂwig ang nangungunang karta sa 53 panalo bukod sa 34 segundo, 16 tersero at 20 kuwarto puwestong pagtatapos.
Ipinahinga naman ni Abalos ang mga mahuhusay na kabayo sa panguÂnguna ng Hagdang Bato at kumabig lamang ito ng liÂmang panalo sa nagdaang buwan upang magkaroon ng 25 panalo, 11 segundo, 6 tersero at 7 kuwarto puwestong pagtatapos patuÂngo sa pumapangalawang P7,259,363.76 kinita.
Si Puyat ay nananatiÂling nasa ikatlong puwesto pero naghahabol na si JeÂci Lapus at Atty. Narciso Morales na nasa ikaapat at limang puwesto.
Pumalo na sa P5,802,318.81 ang kinita ni Puyat matapos magkaÂroÂon ng karta na 44-31-32-41, habang si Lapus ay umangat sa ikaapat na dating okupado ni MoraÂles sa P5,200,281.85 mula sa 27 panalo, 35 segundo, 49 tersero at 36 kuwarto puwesto.
Apat ang naipanalo ng kabayo ni Lapus kumpara sa tatlo lamang ni Morales na may P5,153,007.27 sa 32-42-47-45 una hanggang ikaapat na puwesÂtong pagtatapos.
Nanatili sa ikaanim na puwesto si Eduardo GonÂzales sa kanyang P4,720,585.10 panalo (32-35-27-26) pero ang nasa pang-pito ngayon ay ang SC Stockfarm na nakakubra na ng P4,677,174.19 sa 19-8-17-11 karta.
Umangat din ang Jade Bros. Freight na nasa pang-sampung puwesto noÂÂong nakaraang buwan nang kunin ang ikaÂwalong puwesto sa P4,377,594.56 (31-25-30-34).
- Latest