^

PM Sports

Kahit iisa lamang ang kanilang trainer Donaire mas kinampihan si Pacquiao kesa kay Rios

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bagama’t pareho sila ng trainer, mas kinampi­han ni dating unified world super bantamweight champion Noni­to ‘The Filipino Flash’ Do­naire, Jr. ang kababayang si Manny Pacquiao kesa kay Brandon ‘Bam Bam’ Rios.

Sa panayam ng ABS-CBN North America News Bureau, sinabi ni Do­naire na ang bilis ni Pac­quiao ang tatalo sa ag­resibong si Rios.

“Of course (I’m with) with Pacquiao… for me bok­singero ako, I’m a figh­ter. I look at it in a different light,” ani Donaire. “Kung tatanungin mo ako, I would say that Pacquiao still has the edge kase he has the speed. Mabagal si Bam Bam, depende lang sa focus ni Pacquiao.”

Sina Donaire at Rios ay nagsasanay sa ilalim ni Mexican chief trainer Ro­bert Garcia.

Ayon sa tubong Talibon, Bohol na si Donaire, kai­langang tibayan ni Pac­quiao ang kanyang re­sistensya sa pagsagupa kay Rios.

Ang 27-anyos na si Ri­os ay kilalang hindi uma­atras sa laban.

“Ang kailangan lang ni Pacquiao ay stamina kasi hindi ‘yan hihinto si Bam Bam. Nakita mo na­man na natalo si Bam Bam sa style ni Alvarado the last time. Mas mabilis pa si Pacquiao dun at mas ma­lakas pa, but then again stamina lang and endu­rance ang kailangan,” ani Do­naire.

Ito ang unang laban ng 34-anyos na si Pacquiao ngayong 2013 matapos ma­talo ng da­lawang sunod noong 2012.

Magsasagupa sina Pac­quiao at Rios sa Nob­yembre 23 sa The Venetian sa Macau, China.

BAM

BAM BAM

DONAIRE

FILIPINO FLASH

NORTH AMERICA NEWS BUREAU

PACQUIAO

SHY

SINA DONAIRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with