Mindanao leg ng Batang Pinoy bubuksan ngayon
TAGUM CITY, Philippines—MagÂsisimula ngayong umaÂga ang mga labanan sa Mindanao qualifying leg ng 2013 Batang Pinoy Games tampok ang higit sa 1,700 atleta na naghaÂhaÂngad ng puwesto sa naÂtioÂnal team.
Kabuuang 18 gold meÂdals ang nakataya sa track and field, habang paÂkakawalan naman ang mga heat sa chess, badminton, softball, gymnastics at swimming events.
Ang magwawagi sa boys’ 5,000-meter run ang siyang kukuha sa unang gold medal kasunod ang mga finals sa girls’ long jump, boys’ shot put at high jump at sa 2,000m walk for girls.
Nakataya ang mga gold medals sa boys’ long jump, girls’ shot put at high jump at 110m hurdles, 100m hurdles, 100m dash, 400m, 1,500m at 4x100m relay (boys and girls).
Hanggang kahapon ay patuloy ang pagpapalista ng mga atleta para sa 22 sports na tuluyan nang dumaig sa 2011 Mindanao leg sa Zamboanga City (415 atleta) at 2012 Dapitan City (635).
Ang iba pang spots events na paglalabanan ay ang arnis, beach volleyball, boxing, dancesport, futÂsal, judo, karatedo, lawn tennis, pencak silat, seÂpak takraw, soft tennis, table tennis, taekwondo, volÂleyball, weightlifting at wrestling.
Pinamunuan nina PSC chairman Richie Garcia at Davao del Norte Governor Rodolfo del Rosario ang opening ceremony tampok ang pagparada ng mga atleta mula sa 40 loÂÂcal government units sa DaÂÂvao del Norte Sports and Tourism Center.
- Latest