Judiciary, MMDA at AFP nagwagi
LARO SA LINGGO
(Pasig Sports Center)
2:30 p.m. DOJ vs Congress-LGU
4:00 p.m. MMDA vs AFP
5:30 p.m. Judiciary vs PNP
MANILA, Philippines - Tinalo ng Judiciary ang PhilHealth, 103-85, tamÂpok ang 24 points at 15 boards ni dating PBA plaÂyer Don Camaso, para manatili sa solong ikalaÂwang puwesto sa 1st UNTV Cup noong Linggo sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Nagtumpok naman ng pinagsamang 57 markers sina John Hall, Ariel Capus, Julius Caesar Rabino at Jose Midas Marquez paÂra sa Judiciary (3-1).
Tumipa si Carlo CapaÂti ng 31 markers sa panig ng PhilÂhealth (2-2).
Nasa ikaapat na posisÂyon ang PhilHealth sa nasabing seven-team league na inorganisa ni Breakthrough and Milestones ProÂduction International ChairÂman at CEO Daniel RaÂzon.
Tinalo naman ng Metro Manila Development Authority ang DepartÂment of Justice, 108-72, haÂbang pinayukod ng ArÂmed Forces of the Philippines ang Congress-LGU, 110-83.
Pinalakas ng MMDA (2-1) ang kanilang tsansa para sa Final Four.
- Latest