Mendoza nagkasya sa silver
NANJING – Nawala ang poise ni Jurence Mendoza ng Philippines sa importanteng laban para makuntento sa silver me-dal sa boys’ tennis ng 2nd Asian Youth Games dito.
Pinapaboran ang Filipino player kontra kay Hoang Nam Ly ng Vietnam ngunit hindi niya makuha ang tamang porma sanhi ng kanyang 7-6 (7-4), 5-7, 5-7 pagkatalo sa Tennis Academy of China outdoor courts.
Ang Vietnamese na may world youth ranking na No. 142 kumpara sa No. 89 ni Mendoza ay na-ngailangan ng tatlong oras para makopo ang gold.
Isang maliit na grupo ng mga Pinoy ang nag-cheer kay Mendoza na nakarating sa finals matapos talunin ang mga nakalaban mula sa Nepal, Kuwait, Hong Kong at India.
Ang silver medal ni Mendoza ang tumapos sa kampanya ng mga Phl youth athletes sa 45-nation event na ito para sa edad 14-17 gulang.
Uuwi ang mga Pinoy na may dalawang gold at tatlong silver medals para higitan ang 1-silver, 1-bronze ng Pinas sa unang AYG na idinaos sa Singapore noong 2009.
- Latest