Strategy ni Marquez hindi gagayahin ni Rios
MANILA, Philippines - Sa kabila ng epektibong estratehiyang ginamit ni Juan Manuel Marquez sa pagpapatumba kay Manny Pacquiao, sinabi ni Brandon ‘Bam Bam’ Rios na hindi niya ito gagayahin sa kanyang pagsagupa sa Filipino boxing icon.
Ayon sa 27-anyos na si Rios, may sarili siyang istilo na naiiba sa ipinakita ng 40-anyos na si Marquez nang patumbahin ang 34-anyos na si Pacquiao sa huling segundo ng sixth round sa kanilang pang apat na pagtatagpo noong Disyembre 8, 2012.
“I don’t need to fight like Marquez, because Marquez is Marquez,†sabi ni Rios sa panayam ng BoxingScene.com hinggil sa counter-punching style ni Marquez. “I am going to fight the way I fight, but in a smarter way.â€
Nakilala ang Mexican-American na si Rios bilang isang boksingerong nakikipagsabayan sa kanyang kalaban at hindi umaatras sa labanan.
Ngunit sa kanyang pagharap kay Pacquiao, sinabi ni Rios na hindi siya basta-basta makiki-pagpalitan ng suntok sa Filipino world eight-division champion.
“We’re going to fight in a smart way, but in my style, and fight the same way I do,†ani Rios sa kanyang pagharap kay Pacquiao. “Because I’m not a Marquez – I’m a boxer, I’m not a counter-puncher.â€
Nakatakdang maglaban sina Pacquiao at Rios sa isang non-title, welterweight fight sa Nobyembre 23 sa The Venetian sa Macau, China.
Tiniyak ni Rios na hindi magiging ‘boring’ ang kanilang upakan ni Pacquiao kumpara sa ilang nakalaban nito kagaya nina Timothy Bradley, Jr., Joshua Clottey at Sugar Shane Mosley.
“I’m a brawler. I got balls and heart, and I come to fight,†sabi ni Rios.
- Latest