Mendoza nakapasok sa semis sa tennis event ng 2nd AYG
NANJING, China – TiÂnalo ni second seed Jurence Mendoza ng Pilipinas si Hong Kit Wong ng Hong Kong, 6-1, 6-2, para umabante sa semifinals ng boys’ tennis sa 2nd Asian Youth Games dito.
Naisuko ng 17-anyos na si Mendoza ang first game sa opening set, nguÂnit kaagad na nakabawi para ungusan ang unseeÂded netter ng Hong Kong.
Dahil walang paglalabanan para sa bronze meÂdal sa tennis, tiyak nang makukuha ni Mendoza, ang No. 89 sa world youth ranÂkings, ang anuman sa gold o silver medal.
Nauna nang nakakuha ang bansa ng isang gold at isang silver sa girls’ golf mula kina Mia Legaspi at Princess Superal.
Makakaharap ni Mendoza sa semis sinuman kiÂna Roman Khassanov ng Kazakhstan, ang No. 473 sa world youth rankings, at Garvit Batra ng International Olympic Athletes.
Kung mananalo si MenÂdoza sa semis ay paÂpaÂsok siya sa gold medal round bukas.
“We’re in the semis now. I want to win the gold medal here,†sabi ng UP freshman.
Samantala, natalo naman ang 3-on-3 basketball team niÂna Isaac Go, Patrick RaÂmirez at Andrei Caracut kontra sa Iran, 14-16, sa kanilang laro sa quarterfinals.
Nabigo ang Nationals na makalaro sa semifinals.
- Latest