^

PM Sports

Junior golfers naghatid ng gold, silver mula sa AYG

Abac Cordero - Pang-masa

NANJING – Nagtala ang Philippines  ng gold-silver finish sa girls’ golf  ng Asian Youth Games matapos ang impresibong performance nina Mia Legaspi at Princess Superal kahapon.

Ito ang unang medalya ng Phl youth athletes para malagay sa 11th place.

 â€œIt feels very good and this gold medal is very special for me. I feel very proud but I also feel I deserve this because I’ve been working really hard,” sabi ni Legaspi sa Zhongshan International Golf Club.

 Ipinagpatuloy ni Legaspi, nanalo ng 6 sa kanyang 11 tournaments na sinalihan sa United States sa huling tatlong buwan, ang kanyang mainit na kampanya nang hawakan niya ang liderato mula simula hanggang matapos ang laban para sa magaang panalo.

Tinangka ring manalo ni Superal, bahagi ng ICTSI golf program,  ngunit tumapos ito ng 66 para sa 202 total at kinapos ng isa sa kanyang kababayang si Legaspi.

Sa athletics, lumalaban pa sina Fil-American twins Kayla at Kyla Richardson sa semifinals ng girls’ 100m dash habang sinusulat ang balitang ito at tangka nilang makapasok sa finals kagabi.

Sa fencing nabigong makapasok si Divine Romero sa round-of-16.

vuukle comment

ASIAN YOUTH GAMES

DIVINE ROMERO

FIL-AMERICAN

IPINAGPATULOY

KYLA RICHARDSON

LEGASPI

MIA LEGASPI

PRINCESS SUPERAL

UNITED STATES

ZHONGSHAN INTERNATIONAL GOLF CLUB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with