PhilHealth tinuhog ng PNP para sa solo liderato sa UNTV Cup
MANILA, Philippines - Umangat ang PhilipÂpine National Police (PNP) sa kanilang ikatlong sunod na panalo nang pataubin ang dating walang talo na PhilHealth, 100-73, sa idinaos na 1st UNTV Cup noong Linggo sa Pasig Sports Center sa Pasig City.
Tumipak si Ollan OmiÂping ng 24 puntos at pinaÂnguÂnahan ang maagang pagÂlayo ng PNP sa PhilHealth para manatiling solo sa lideÂrato sa pitong koponang liga sa 3-0 baraha.
Isang off-the-bench plaÂyer, nagbagsak ang dating UE gunner ng walong puntos, kasama ang dalawang tres, nang pakawalan ng PNP ang 23-5 bentahe para hawakan ang 27-11 kalamangan mula sa 4-6 iskor.
Mula rito ay hindi na nakabangon pa ang PhilHealth na napag-iwanan ng hanggang 29 puntos, 63-34, sa ikatlong yugto sa magkasunod na triples ni Arnold delos Santos.
“Lumabas ang pagkabeterano ni Ollan. Lumabas din ang puso at pride ng ibang players bilang isang PNP,†pagpupugay ni coach Raffy Gonzales na humugot pa ng pinagsamang 37 puntos kina Ronaldo Abaya, Julius Criste at Jay Misola.
Bumaba sa 2-1 karta ang PhilHealth na pinamunuan ni guard Kenneth Emata sa kanyang 16 marka.
Sumalo sa ikalawang puÂwesto ang Judiciary nang gulatin ang Armed Forces of the Philippines, 100-97, habang nakuha ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang unang panalo sa dalawang laro gamit ang 99-78 paglampaso sa Congress-LGUsa ibang mga laro.
Si dating PBA player Don Camaso ay naghatid ng 27 puntos, 20 rebounds, 3 steals at 3 blocks para sa Judiciary na nanalo sa ikalawang sunod na pagkakaÂtaon matapos matalo sa Congress-LGU sa unang laro.
- Latest