Tamaraws determinadong bumawi; Bulldogs hangad ang solo 2nd spot
MANILA, Philippines - Pipilitin ng Tamaraws na makabangon mula sa kaÂnilang kauna-unahang kaÂbiguan, habang puntirÂya naman ng Bulldogs na solohin ang ikalawang puÂwesto.
Lalabanan ng Far EasÂtern University ang De La Salle University ngayong alas-4 ng hapon matapos ang pakikipagharap ng National University sa Adamson University sa alas-2 sa elimination round ng 76th UAAP men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Natikman ng Tamaraws ang kanilang unang pagÂkatalo ngayong season nang yumukod sa BulÂldogs, 58-59, noong Agosto 14.
Dala ng FEU ang 7-1 baraha kasunod ang NU (5-3), University of the East (5-3), University of Sto. Tomas (4-4), La Salle (4-4), five-time chamÂpions Ateneo De Manila UniÂversity (4-4), Adamson (3-5) at University of the Philippines (0-7).
Posibleng ipahinga ni rookie coach Nash Racela si Tamaraws’ scoring guard RR Garcia matapos itong magkaroon ng lagnat bunga ng allergy.
Ito ang inaasahang saÂsamantalahin ng Green ArÂchers ni rookie mentor JuÂno Sauler na nanggaÂling sa 70-69 overtime win laÂban sa Falcons noong AgosÂto 14.
Isang krusyal na basket ni guard Arnold Vosotros sa natitirang 1.8 segundo ang naglusot sa La Salle kontra sa Adamson.
Nagkaroon ng trangÂkaÂso sina Thomas Torres at Luigi Dela Paz kaya hinÂdi naÂkalaro sa huling laÂban ng Green Archers.
- Latest