Masisilayan uli ang mga sikat na players ng Shakey’s V-League
MANILA, Philippines - Ang mga popular na players sa Shakey’s V-League sa unang 10 taon ang matutunghayan sa Open Conference na magsisimula sa Linggo sa The Arena sa San Juan City.
Ang walong koponan ay pamumunuan ng Army at Smart-Maynilad bukod pa sa Cagayan Province, Meralco, Air Force, Navy, Philippine National Police at Far Eastern University.
Ang Army ay pangu-ngunahan nina Nene Bautista, MJ Balse, Rachel Anne Daquis at Michelle Carolino.
Kakampanya para sa Smart-Maynilad sina da-ting Ateneo stars Alyssa Valdez, Sue Roces at Charo Soriano. Add Maru Banaticla, Melissa Gohing, Mica Guliman at Gretchel Soltones katulong sina top setters Rubie de Leon at Jem Ferrer.
Ang Cagayan Province, runner-up sa nagkampeong San Sebastian-Sandugo, ay babanderahan nina dating UST aces Aiza Maizo at Angeli Tabaquero.
Ang mga nakaraang conference at finals MVP na sina Maureen Penetrante-Ouano (Meralco), Rhea Dimaculangan (Air Force), Ferrer at De los Santos ang magpapakinang rin sa komperensya.
Si Penetrante-Ouano ang gigiya sa Meralco.
Sina Dimaculangan, skipper Liza de Ramos at dating UST mainstays Maika Ortiz at Judy Ann Caballejo ang gagabay sa Air Force.
Ang Navy ay magtatampok kina Michelle Laborte, Abigail Praca, Janeth Serafica at Czarina Reyes, habang sina Michelle Datuin at Jill Gustilo ang aakay sa PNP.
Ang FEU ay binubuo naman nina Christine Agno, Bernadeth Pons, Marie Simborio, Marie Basas, Faith Torres at Ge-nevieve Casugod.
Ang mga laro ay nakatakda tuwing Linggo, Martes at Biyernes at isasaere ng delayed sa GMA News TV Channel 11, ang television partner ng liga, kasama ang Mikasa bilang official ball at Accel bilang official outfitter.
- Latest