Milo Little Olympics lalarga na
MANILA, Philippines - Inihayag ng nangungunang nutrition, health at wellness company na Nestle Philippines, gumagawa ng Milo, ang paglulunsad ng 26th season ng Milo Little Olympics, ang pinakamatandang interschool youth sports competition.
Ang una sa apat na regional legs ay nakatakda sa Cebu City Sports Complex sa Agosto 16-18 at sa Agosto 24-25. Matapos ang Visayas, ang kompetisyon ay dadalhin sa Mindanao, NCR at Luzon bago bumalik sa Queen City of the South para sa 26th Milo Little Olympics National Finals.
Malaki ang kontribusyon ng Milo Little Olympics sa pagdiskubre ng mga local talent sa pamamagitan ng pagbibigay ng kumpiyansa, pagpapalaganap ng teamwork at values. Bilang pagpapatuloy sa kanilang sinumpaang maghanap ng mga bagong sports heroes, idinagdag ng Milo ang basketball sa kanilang sporting events ngayong taon. Ang 26th season ng Milo Little Olympics ay gagawin din sa Baguio City, ang kapalit ng Lingayen, Pangasinan.
Matapos ang Visayas leg sa Agosto 16-18 at sa Agosto 24-25 sa Cebu City Sports Complex, magtutungo ang 26th Milo Little Olympics sa Mindanao (Don Gregorio Pelaez Sports Center) sa Agosto 23 – 25 kasunod ang NCR (Marikina Sports Complex) sa Agosto 30 – 31 at sa Setyembre 1, 7 at bago ang Luzon (Baguio City Athletic Bowl) sa Setyembre 6-8.
Ang lahat ng mananalo sa eliminations legs ay tatanggap ng all-expenses paid trip sa Cebu para sa National Finals sa Oktubre 25-27, 2013.
- Latest