Durant bumisita sa Seattle
SEATTLE -- Umiskor si Kevin Durant ng 62 shots at umiskor ng 63 points at 15 segundo lamang ang ipinahinga sa loob ng 51 minutong paglalaro.
Sa kabila nito, may panahon pa siyang magpakuha ng litrato at pumirma ng autographs nang paligiran ng mga fans ang kanyang kotse nang papaalis na ng venue.
Ipinakita lamang ng Seattle ang pagmamahal nila kay Durant.
“I just want to say I miss you guys,’’ sabi ni Durant sa maliit na college gym na napuno ng 3,000 fans, karamihan ay suot ang lumang Seattle SuperSonics jersey ni Durant. “Thank you for the warm welcome. I can’t wait to come back.’’
Nakisama si Durant sa Jamal Crawford Summer Pro-Am sa Seattle noong Linggo.
Ito ang unang pagkakataon na nagbalik siya sa Seat-tle sa isang basketball event matapos umalis ang SuperSonics para lumipat sa Oklahoma City noong 2008.
Siya ang NBA Rookie of the Year sa Seattle noong 2007-08 season at ipinagpatuloy ang magandang relasyon sa lungsod kung saan nagsimula ang kanyang career.
Nagtangka si Durant na tahimik na tumakas sa gym, ngunit nakita ng mga fans ang kanyang SUV at pinaligiran ito ng halos isang oras matapos ang laro.
Imbes na lusutan ang mga fans ay huminto si Durant at pumirma ng mga autographs at nagpakuha ng larawan sa likuran ng kanyang sasakyan.
Matapos ang laro ay nag-tweet si Durant, “I love and miss Seattle.’’
“He reached out to me to come perform before in front of you guys,’’ sabi ni Crawford kay Durant sa mga manonood sa Seattle Pacific University. “He loves Seat-tle. He took his own jet. He spent a lot of money to come up here and perform in front of you guys.’’
Hindi ito ang pinakamagandang shooting performance ni Durant.
Nagtala siya ng 26 of 62 shots - kasama dito ang mga dunks - ngunit nag-lista ng malamyang 8-of- 32 sa 3-point range.
Naimintis niya ang isang baseline jumper sa pagtatapos ng regulation na nagdala sa laro sa overtime kung saan nanalo ang koponan ni Crawford, 147-141.
Umiskor si Crawford ng 46 points.
- Latest