^

PM Sports

Malaking pasalamat ni MVP

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Walang masabi si National coach Chot Reyes sa katanungan kung ano ang kanyang sunod na plano ngayong nakapasok na ang Pilipinas sa FIBA World Cup sa Madrid, Spain sa susunod na taon.

“Ang paningin namin ay hanggang August 11 lang. Maski bukas hindi ko alam kung ano  ang mangyayari, ano ang schedule towards the world championship. Talagang dinisiplina namin ang pag-iisip namin na hanggang Aug. 11 lang,” diretsong tugon ni Reyes.

Isang pagpupulong ang nakikita niyang  magaganap sa panig niya at ng pamunuan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa pamumuno ni Manny V. Pangilinan, para  mailatag ang mga gagawin para sa pagsali sa prestihiyosong torneo.

Sa hiwalay na pana-yam kay Pangilinan, sinabi niyang wala pang napag-uusapan sa kung ano ang dapat gawin at bukas din siya sa ideya na panatilihin ang komposis-yon ng team na siyang nagbigay daan kung bakit makakabalik ang bansa sa pandaigdigang kompetis-yon na huling nangyari noon pang 1978.

“‘Yun ang sentiments. Pero wala pang napag-uusapan talaga,” wika ni Pangilinan.

May usap-usapang nangako si Pangilinan na bibigyan niya ng tig-P1 milyong bonus ang lahat ng miyembro ng Gilas Pilipinas.

Ito ay katumbas ng incentive ng atletang nanalo ng gold sa Asian Games.

Wala pang kumpirmas-yon mula kay Pangilinan ngunit ito ang kanyang sinabi sa isang speech.

“Sa may mga asawa, tanungin niyo na lang sila (mga players) kung magkano ang nakuha nila,” pasaring nito.

Wala namang problema si Reyes sakaling ang mga hinawakang manlalaro ang bibitbitin niya sa FIBA-World dahil naipakita na ng mga players na kaya nilang makipagsabayan sa mga bigating manlalaro.

Malinaw na ehemplo sa bagay na ito si Jayson William Castro dahil siya ay nasama sa Mythical Five na patunay na isa siya sa limang pinakamahuhusay na manlalaro na nakita sa torneo.

Kahit sina Japeth Agui-lar at JuneMar Fajardo ay sinaluduhan ni Reyes lalo pa’t ang dalawang 6’9” players ang nagsalitan sa pagdepensa sa shaded area sa one-game finals laban sa Iran.

“Junemar and Japeth showed what’s in store for them in the future, that they can really battle at this level. If we had Marcus, who knows, we could have given them (Iran) a better fight,” dagdag ng beteranong coach.

Balik  sa dating na-kagawian ang lahat ng mga kasapi ng National team at kasama na rito ang paglalaro sa mother teams sa PBA.

 

ASIAN GAMES

CHOT REYES

GILAS PILIPINAS

JAPETH AGUI

JAYSON WILLIAM CASTRO

JUNEMAR AND JAPETH

MANNY V

PANGILINAN

REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with