Kahit may injury, ibinigay lahat ni Pingris
MANILA, Philippines - Sa pagharap sa mas malalaking kalaban at isa lang ang maaasahang binti, ibinigay lahat ni Mark Pingris ang kanyang makakaya upang makapagpamalas ng performance na hindi malilimutan ng lahat.
Alam ni Pingris kung gaano kalaki ang kanyang nagawa para sa bansa kaya hindi halos ito makapagsalita nang humarap sa media sa post-game interview noong Sabado ng gabi. Hindi niya mapigilan ang kanyang luha kaya hindi niya maideretso ang kanyang pagsasalita.
“Puso lang talaga ito,†pahayag ni Pingris na na-nguna sa Gilas upang magkaroon ng bagong kabanata ang kasaysayan ng Philippine basketball. “Sa lahat ng sumuporta sa amin, nagdasal para sa amin, kayo ang nagbigay ng lakas para sa amin. Puso talaga.â€
“Ginawa namin ‘to para sa bansa, marami kaming naging sakripisyo dito. Sa PBA binabayaran kami para maglaro. Dito, wala kaming bayad pero magpapakamatay kami para sa bansa.â€
Bagama’t may nararamdaman sa kanang binti, magiting na lumaban si Pingris sa pagpapakita ng energy at intensity na humawa sa kanyang mga teammates upang igupo ang mabibilis at matitinik na Koreans, 86-79, sa labanan para sa tickets patungong 2014 FIBA- World Cup na gaganapin sa Spain.
“With Marcus out, Ping became the backbone of our defense,†sabi ni Reyes ukol kay Pingris na nagtala ng 16 points and 10 rebounds kontra sa Korea.
Katulong sina Ranidel de Ocampo, Jayson Castro at Jimmy Alapag, nanguna si Pingris para sa Gilas upang punan ang pagkawala ni Marcus Douthit.
- Latest