^

PM Sports

Gilas Pilipinas papupurihan ng PBA

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinabi ni PBA Commissioner Chito Salud na bibigyan ng pro league ang Gilas Pilipinas ng isang special tribute dahil sa pagkakapasok ng bansa sa world championships matapos ang 35 taon.

“We’ll work on that. We’ll give them a special toast. We’ll present our heroes to our fans most probably on Sunday,” sabi ni Salud.

Malaki ang naitulong ng pro league sa tagumpay ng Gilas Pilipinas matapos baguhin ang inaprubahang polisiya at season calendar upang mabigyan ng pagkakataon ang mga PBA stars na makasama sa Gilas Pilipinas.

Ang lahat ng Gilas Pilipinas players ay mula sa PBA, puwera lamang kay Marcus Douthit.

Ikinasiya ng PBA leadership ang tagumpay ng Gilas.

“We are living a dream. The country’s heart has been inspired by Gilas and filled with nothing but pride and overwhelming joy,” wika ng league commissioner.

Ito ang pinakamagandang ipinakita ng isang PBA-backed National team sa Asian basketball matapos ang silver-medal finish ng koponan ni Ro-bert Jaworski noong 1990 Beijing Asian Games.

Ang tropa ni coach Norman Black ay fourth placer sa Hiroshima Asiad noong 1994, habang ang grupo ni coach Tim Cone ay pumangatlo sa Bangkok noong 1998 at ang koponan ni coach Jong Uichico ay pumang-apat sa Busan noong 2002.

Isang PBA selection ang nabigong makapasok sa Final Four ng isang Asian joust sa Tokushima noong 2007.  Si Chot Reyes ang coach ng nasabing koponan.

Noong 2009, tumapos ang grupo ni coach Yeng Guiao na pang-siyam sa Tianjin FIBA-Asia.

BEIJING ASIAN GAMES

COMMISSIONER CHITO SALUD

FINAL FOUR

GILAS PILIPINAS

HIROSHIMA ASIAD

JONG UICHICO

MARCUS DOUTHIT

NORMAN BLACK

SI CHOT REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with