7th Asian junior wushu championship pagsisikap ni Wong nagbunga ng ginto
MANILA, Philippines - Nagbunga ang paghihirap ni Agatha Chrystenzen Wong sa pagsasanay nang kunin ang gintong medalya sa Group B ng women’s 32 form Taijijian sa 7th Asian Junior Wushu Championship sa Makati Coliseum.
Ang 15-anyos, fourth year student ng School of the Holy Spirit sa Quezon City, ay hindi nagkamali sa ipinakitang routine para mabigyan ng nangungunang 9.31 puntos.
Tinalo ni Wong, nagÂsiÂmula sa wushu sa edad na pitong taon, sina Tran TaÂhi Kieu Trang ng Vietnam (9.21) at Choi Yujeong ng KoÂrea (9.20).
“Determinado lamang ako at inisip ko na gawin ang best ko kasi excited at may nerbiyos akong naÂramdaman,†wika ni Wong na beterano rin ng 2012 World Junior Wushu Championship sa Macau, China at pumang-walo sa nasabing event.
Ito ang ikalawang gintong medalya ng Pilipinas at ang una ay nakuha sa Group event kamakalawa.
May pilak na rin ang host country sa apat na araw na torneo matapos puÂmangalawa si Dave DeÂgala kay Lee Hoi Tan ng Macau sa Group A men’s 2nd set changquan.
Nabigo si Degala na madagdagan pa ang meÂdalyang ng bansa nang tuÂmaÂpos lamang sa ikaapat na puwesto sa Group A men’s 2nd set gunshu sa 9.30 puntos.
Ang China ay may apat na ginto na at si Wang Yawen ang huling naÂkapaghatid ng karangalan sa Group B women’s 1st set changquan.
Ang iba pang nagsipaÂnalo ay sina Jowen Lim Si Wei ng Singapore sa Group B men’s 1st set changquan; Juanito Mok Uen Ying ng Hong Kong sa Group A women’s 42 forms taijijian; Seo Heeseong ng Korea sa Group A men’s 42 forms taijijian; Rajabi Haneih ng Iran sa Group A women’s 2nd set gunshu at Betto Hibiki ng Japan sa Group A men’s 2nd set gunshu.
May 2-1 gold-silver sa medal tally ang Pilipinas at tataas pa ito matapos tiyakin nina sanshou artists Noel Alabata (men’s 48kg), Vinine Wally (woÂmen’s 48kg) at Vita ZaÂmora (women’s 52kg) ang bronze medals nang mag-bye sa first round para umaÂbante sa semifinals ng kaÂnilang dibisyon.
- Latest