^

PM Sports

Gold agad sa Phl Jr. wushu artists

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinisipat ni 2012 World Junior Wushu Championships gold at silver medalist Alieson Ken Omengan na pa­ngatawanan ang estado bilang isa sa pangunahing pambato ng Pilipinas sa 7th Asian Junior Wushu Championships na binuksan kahapon sa Makati Coliseum.

Tatlong individual events at isang group event ang lalaruan ng 15-anyos at tubong Baguio City na si Omengan at may kumpiyansa itong mananalo ng ginto sa patimpalak na nilahukan ng 23 bansa at suportado ng PSC, POC, DOT, PCSO, Standard Insurance, MVP Sports Foundation, Arrow shirt, Summit Water at Burlington Socks.

“Medyo may pressure po pero kaya ko naman. Apat ang events ko at kung kakayanin, kukunin ko ang apat na gold medals,” wika ni Omengan.

Limang buwan na naghanda ang junior athletes ng Wushu Federation of the Philippines (WFP) sa ilalim ng Chinese coach na si Liu Yu Zhen at hindi naman nasa-yang ang kanilang paghihirap sa pangu-nguna ni Omengan dahil ginawaran ang Nationals ng ginto sa Group Competition.

Binuo ng walong bata pero mahuhusay na wushu artists, binigyan ang koponan ng 9.42 puntos upang makasama ang China sa unang puwesto.

Kabilang din sa team na sumalang sa natatanging event ng host country kahapon ng umaga ay sina Faith Liana Andaya, Joel Casem, Vanessa Chan, Dave Degala, Kimberly Macuha, Johnzenth Gajo at Christian Nicholas Lapitan.

“Hindi po namin inaasahan dahil malalakas ang kalaban pero alam namin na kaya naming manalo,” wika ni Andaya na isang silver medalist sa World Junior Championships.

Ngayong nasimulan ng panalo ang laban, lalong tumaas ang kumpiyansa nina Omengan at iba pang kasapi na mapangibabawan ang ibang events para maisakatuparan ang target na pitong ginto sa kompetisyon at mapaabot na sa 100 ang kabuuang bilang ng gintong medalya na nakamit sa paglahok sa mga international competitions.

“We are very happy we won our first gold medal in our first event and yes they will be given incentives,” wika ni WFP president Tan She Ling.

Si Omengan ay sumalang pa kagabi at pakay ang ikalawang ginto sa men’s nangun. Ang iba pang lumaban kagabi ay sina Degala at Agatha Chrystenzen Wong sa group A men’s 2nd set changquan at group B women’s 32 forms taijijian.

Ang Business Mirror, Malaya Business Insight, Philippine Star Online, Pilipino Mirror at Manila Bulletin ang mga media partners habang ang Focus Media ang LCD advertising partner, Xitrix Computer Corp. ang technical partner at DZSR Sports Radio  ang radio carrier.

AGATHA CHRYSTENZEN WONG

ALIESON KEN OMENGAN

ANG BUSINESS MIRROR

ASIAN JUNIOR WUSHU CHAMPIONSHIPS

BAGUIO CITY

BURLINGTON SOCKS

CHRISTIAN NICHOLAS LAPITAN

DAVE DEGALA

OMENGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with