^

PM Sports

Sevillano kampeon sa Shell Jr. active Chess Mindanao leg

Pang-masa

MANILA, Philippines -  Bumawi si top seed Rhenzi Sevillano sa pagkatalo sa fourth round nang ma-sweep ang kanyang huling 4 matches  habang bumagsak ang mga dating co-leaders na sina Diego Claro, Aljie Cantonjos at Danilo Engay Jr. tungo sa pagkopo sa boys’ junior division crown sa Shell National Youth Active Chess Championships Mindanao leg sa SM Davao Event Center sa Davao City noong Linggo.

Tinalo ni Sevillano si Anthony Sagayno sa fifth round bago ang sunud-sunod na panalo kina  Jason Engay, John Acedo, Jason Nabatlao at Dexter Echa-lico upang tanghalin ang San Carlos Univ. bet mula sa Cebu City bilang solo champion taglay ang eight points para makausad sa National finals ng annual event na sponsored ng Pilipinas Shell.

Natalo si Claro, sumilat kay Sevillano sa fourth round para ipuwersa ang three-way tie sa liderato kasama sina Cantonjos at Engay sa kalagitnaan ng nine-round Swiss system event, ng dalawa sa kanyang huling apat na games kabilang ang pagkatalo kay Cantonjos upang tumapos ng solo second na may 7.5 points para makakuha rin ng slot sa grand finals  na nakatakda sa Sept. 14-15 sa SM Megamall.

ALJIE CANTONJOS

ANTHONY SAGAYNO

CANTONJOS

CEBU CITY

DANILO ENGAY JR.

DAVAO CITY

DAVAO EVENT CENTER

DEXTER ECHA

DIEGO CLARO

JASON ENGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with