^

PM Sports

2 Ateneo Jr. players naglalaban para sa MVP award

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang manlalaro ng Ateneo Blue Eaglets ang mahigpitang naglalaban para sa Most Valuable Player award matapos ang first round elimination sa UAAP juniors division.

Ang nakababatang kapatid ni Kiefer Ravena na si Thirdy ang nakau-ngos ng bahagya sa kakamping si Michael Nieto habang ang pambato ng National University Bullpups na si Mark Dyke ang nasa ikatlo sa talaan.

Kumubra si Ravena ng 74.4286 total statistical points (TSP) matapos ang pitong laro at nakahugot siya ng 446 statistical points (SP) at 75 bonus points mula sa limang panalo  sa pitong laro.

Si Nieto ay mayroong 73.1667 TSP mula sa 379 SP at 60 bonus points habang si Mark Dyke ay mayroong 68.5714 TSP at katabla sa puwesto si Reinier Quinga ng Adamson Baby Falcons sa magka-tulad na TSP.

Sinandalan ni Quinga ang pinakamataas na 480 statistical points na nakuha ng mga manlalaro sa juniors ngunit wala siyang nakuhang bonus points dahil ang Adamson ay nasa ikalawa sa huling puwetso sa standings sa 1-6 baraha.

May 105 bonus points si Dyke matapos walisin ng NU ang first round para isama sa kanyang 375 SP.

Si Henri Subido ng La Salle ang kukumpleto sa unang limang puwesto sa talaan sa 67.8571 TSP.

Lumalabas na si Subido ang number one scorer ng liga sa kanyang 23.1 puntos at kasunod niya si Ravena na may 19 puntos average.

Una sa rebounding si Michael Nieto sa kanyang 15.5 average kasunod sina Quinga at Dyke na may magkatulad na 14.9 boards per game.

Lider si Quinga sa blocks sa kanyang 2.9 na average habang sina Hubert Cani ng NU at Alfonso Banzon ng La Salle ang una sa assists (6.6 feeds) at steals (2.7 steals).

 

 

vuukle comment

ADAMSON BABY FALCONS

ALFONSO BANZON

ATENEO BLUE EAGLETS

HUBERT CANI

KIEFER RAVENA

LA SALLE

MARK DYKE

MICHAEL NIETO

MOST VALUABLE PLAYER

QUINGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with