AMA Jrs. back-to-back champions sa NBA 3X 17U
MANILA, Philippines - Ang AMA Juniors ni coach Mark Herrera ang muling nagdomina sa NBA3X 17-U matapos magtala ng 7-0 sweep.
Ito ang unang pagkakataon na may nanalo ng back-to-back sa parehong division.
“Im proud of our players and of course to our coach Mark Herrera, also to our sports director for putting Ama in a history record in the NBA 3-on-3 with their determination and dedication,†sabi ng 1st vice president ng AMA na si Arnel Hino.
Ang koponan ay binubuo nina Jason David, Russel Fuentes, Clark Quijano at Macky Perez na suportado ng may-ari ng Ama na si Ambasador Amabel R. Aguiluz. Ang team manager ay si Aldric Manrique at sumuporta rin ng Johnny Rockets at Ama Bank.
Ang 12-under at 15-under ng AMA ay nakapasok din sa semifinals.
Tinalo ng defending champion Ama Junior Titans ang Chang Kai Shek sa finals upang makopo ang ikalawang sunod na titulo.
- Latest