Julaton may tsansa pa para sa world boxing title
MANILA, Philippines - Sakaling manalo sa kanyang laban sa Agosto 17 ay posibleng muling mabigyan si Ana ‘The Hurricane’ Julaton ng tsansa para sa isang world boxing crown.
Ngunit hindi pa ito iniisip ng 33-anyos na Fil-American fighter.
“For me to be on the brink of bigger things, I have to treat it like every other fight,†wika ni Julaton, dating nagreyna sa female super bantamweight division ng World Boxing Organization.
Nakatakdang labanan ni Julaton (12-3-1, 2 KOs) si Celina Salazar 4-1-2, 1 KO) ng Mexico sa Agosto 17 sa Cancun, Mexico.
Ang laban ni Julaton kay Salazar ay co-feature sa isang 130-pound title fight sa pagitan nina WBC beltholder Takashi Miura at Sergio Thompson sa ilalim ng Golden Boy Promotions.
Matapos agawan ni Yesica Patricia Marcos ng Mexico ng WBO female super bantamweight title via unanimous decision noong Marso 16, 2012 ay dalawang sunod na panalo ang itinala ni Julaton.
Tinalo ni Julaton sina Yolanda Segura at Abigail Ramos noong Mayo 4 at Agosto 3, 2012, ayon sa pagkakasunod.
- Latest