^

PM Sports

Iran winalis ang labanan sa Group C; Kazakhstan nagdomina sa Group D

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kinumpleto ng Iran ang pagwalis sa Group C nang talunin ang nagdedepensang China, 70-51, kagabi.

Ito rin ang ginawa ng Ka­zakhstan sa Group D sa pa­ma­magitan ng 80-67 pana­lo sa India.

Bu­­malikwas naman kaagad ang South Korea mula sa pagkata­lo no­ong Biyer­nes laban sa Iran nang ku­nin ang 80-58 panalo kontra sa Malaysia.

May 21 puntos si Mik­hail Yevstigneyev pa­­ra pangunahan ang Ka­­zakhstan  sa pag­pa­pa­­lasap sa India ng ika­la­wang pagkatalo matapos ang tatlong la­ro.

Si Seung Jun Lee ay may 18 puntos para sa Koreans na tinapos ang laro sa Group C mula sa 2-1 karta.

Kinuha naman ng Qa­­tar ang unang puwes­to sa Group B sa 2-0 kar­ta matapos ilampaso ang Hong Kong, 87-64.

May 1-1 baraha ang Japan kasunod ang Hong Kong (0-2).

Hindi nakaisa ang Hong Kong sa dala­wang laro pero aabante pa rin sa second round da­­hil tatlo lamang silang magkakasama sa grupo.

Pina­ta­wan ng FIBA ng four-year ban ang Le­­banon na kasama sana sa Group B.

BIYER

GROUP B

GROUP C

GROUP D

HONG KONG

SHY

SI SEUNG JUN LEE

SOUTH KOREA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->