Gilas marami pang ilalabas
MANILA, Philippines - Marami pang dapat na gawin para mas lalong guÂmanda ang takbo ng Gilas Pilipinas.
Ito ang ipinagdiinan ni national head coach Chot ReÂyes matapos makitaan ng mas magandang laÂro ang kanyang mga bataan nang manalo sa Jordan, 77-71, noong Biyernes ng gabi sa 27th FIBA-Asia Men’s Championships sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
“I think we’re fooling ourselves if we allow ourÂselves to be happy. There’s a lot of room for imÂprovement,†wika ni Reyes na may 2-0 baraha sa Group A.
Hindi tulad sa 78-66 panalo sa Saudi Arabia, gumaÂna ang 3-point shooting ng Gilas laban sa Jordan matapos makapagpasok ng 12 sa 27 pagtaÂtangka.
Ang transition game ay nakitaan din ng tibay nang kumulekta sila ng 23 turnover points, habang sina Jeff Chan, Jayson Castro William, Ranidel de Ocampo at Marcus Douthit ay tumapos bitbit ang 17, 16, 11 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod.
“I felt we are better tonight than last night. But we have to keep on getting better every game because this is not a sprint race. This is gonna be a long drawn out race and the way to go deep in this race is to continue to get better,†paliwanag pa ni Reyes.
Katapat ng Pilipinas ang Chinese-Taipei kagabi at ang mananalo ang siyang mangunguna sa grupo papasok sa second round elimination na sisimulan sa Lunes dahil pahinga ang aksyon ngayon.
Sa nasabing yugto, makakasama ng Pilipinas, Chinese-Taipei at alinman sa Jordan o Saudi Arabia ang Qatar, Japan at Hong Kong na nasa Group B.
Bitbit ang win-loss record laban sa mga nakaÂsama sa grupo, lalabanan ng mga koponan sa Group A ang mga nasa Group B at ang manguÂngunang apat na koponan matapos ang tatlong laro ang aabante sa quarterfinals sa Agosto 9.
Isa pang bagay na hindi dapat mawala sa susuÂnod na mga laro ng host team ay ang mainit na suporta ng manonood.
- Latest