^

PM Sports

Juggling Act sasalang uli

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Palalakasin pa ng imported horse na Juggling Act ang hangaring maging pinakamahusay na kabayo sa kanyang hanay sa pagtakbo sa Atty. Rodrigo Salud Race na ikaapat na yugto ng Imported/Local Challenge race sa Linggo sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.

Ang nasabing kabayo na lahok ni Hermie Esguerra ay tatakbo kasama ang coupled entry na Oh Oh Seven at inaasahang mapapaboran sa hanay ng anim na kabayo na magtutuos sa 1,800-metro distansya.

Noong Hunyo huling kumarera ang Juggling Act at nanalo ito sa Araw ng Makati Cup sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Ang iba pang tatakbo ay ang Botbo na lahok ng Container Bridge Philippines, Crucis ni Marlon Cunanan, Gentle Irony ni Atty. Narciso Morales at Tritanic ng RMR Equine Inc.

Si Atty Salud, ama ni PBA Commissioner Atty. Chito Salud, ay kilalang may pagmamahal sa horse racing at noong naupo bilang executive director ng dating Philippine Racing Commission (Philracom) chairman Justiniano Montano Jr. ay isinusog ang pagpapadala ng hinete sa ibang bansa para kumarera.

Nabiyayaan nito si Jesus “El Maestro” Guce na naihatid ang talent sa California racing circuit sa US upang mapaghusay ang kaalaman hanggang itinanghal bilang isa sa pinakamahusay na hinete ng Pilipinas.

Pangungunahan naman ng batang Salud ang mi-yembro ng kanyang pamil-ya na dadalo sa awarding ceremony.

Ang mananalo ay magbubulsa ng P300,000.00 unang premyo mula sa kabuuang pot na P500,000.00 na handog ng Philracom.

Ang papangalawa ay mayroong P112,500.00 habang ang papangatlo ay mayroong P62,500.00 at P25,000.00 ang makakamit ng papang-apat na puwesto. 

 

CHITO SALUD

COMMISSIONER ATTY

CONTAINER BRIDGE PHILIPPINES

EL MAESTRO

EQUINE INC

GENTLE IRONY

HERMIE ESGUERRA

JUGGLING ACT

JUSTINIANO MONTANO JR.

LOCAL CHALLENGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with