2 Lyceum players pa sinuspindi ng NCAA dahil sa unsportsmanlike
MANILA, Philippines - Sinuspindi ng NCAA ang dalawa pang Lyceum players dahil sa kanilang unsportsmanlike acts sa 76-83 pagkatalo sa Emilio Aguinaldo sa first round ng 89th NCAA basketball tournament elimination round sa The Arena sa San Juan City noong Sabado.
Pinatawan sina Mark Francisco at Joseph Ambohot ng minimum one-game ban dahil sa unsportsmanlike foul na naging sanhi ng kanilang pagkakatalsik sa laro sa second half sa natu-rang laro.
“They were disqualified, so one game suspension minimum,†sabi ni league commissioner Joe Lipa.
Ang player na intensiyong saktan nina Francisco at Ambohot ay si EAC rookie Sidney Onwubere na naunang nasikmuraan ni Ambohot bago tamaan sa ulo ni Francisco.
Sina Francisco at Ambohot ang ikaapat at ikalimang players na sinuspindi ng liga matapos suspindihin sina Pirates team captain Andrei Mendoza, Dexter Zamora at Tirso Lesmoras, Jr.
Isinilbi na nina Mendoza at Lesmoras ang kanilang one-game suspensions habang si Zamora ay nakapagsilbi na ng isa sa kanyang three-game ban dahil sa kanyang inasal nang matalo ang Lyceum sa St. Benilde, 69-75 noong nakaraang linggo.
Ibig sabihin, sina Francisco, Ambohot at Zamora ay hindi lalaro sa pagharap ng Lyceum sa Jose Rizal sa Aug. 15 sa The Arena sa San Juan.
- Latest