^

PM Sports

Principal Wine malakas ang dating

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa pagkakataong ito ay nakumpleto ng Principal Wine ang malakas na pagdating para manalo sa  3YO Maiden Race na pinag-labanan sa pagsisimula ng pista kahapon sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Si Jeff Bacaycay ang hinete pa rin ng kabayo na pumangalawa noong Hunyo 21 sa isang 3YO maiden race pero sa pagkakataong ito ay hindi naubos ang pagremate ng kabayo para lampasan ang nauunang Silver Wings.

Nalagay muna sa ikatlong puwesto  ang Principal Wine kasunod ng Silver Wings ni Jessie Guce at Bhrad ni CP Henson.

Hanggang sa huling kurbada na ganito ang puwestuhan ng tatlong kabayo  pero sa rekta ay nakahabol na ang Principal Wine at nalagay na sa ikalawang puwesto.

Sinikap ni Guce na mapanatili ang init ng Silver Wings pero ipinasok pa ni Bacaycay ang kabayo sa balya at dito humarurot para sa kalahating dipang agwat na panalo.

Bigo man ay nahigitan din ng Silver Wings ang naipakita noong Hulyo 16 na panglimang puwesto.

Liyamado sa lahat ang Principal Wine para magpasok ng P5.00 dibidendo habang ang 1-2 forecast ay nagpamahagi ng P7.50.

Sampung karera ang ginawa sa bakuran ng Phi-lippine Racing Club Inc. para pasiglahin ang unang gabi ng karera.

vuukle comment

BACAYCAY

BHRAD

BIGO

JESSIE GUCE

MAIDEN RACE

PRINCIPAL WINE

RACING CLUB INC

SANTA ANA PARK

SI JEFF BACAYCAY

SILVER WINGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with