Atlanta rookie pababalikin sa Spain?
Posibleng bumalik muna si Atlanta Hawks rookie Lucas Nogueira sa Spain ng isang season.
Marami ang nakapansin kay first round pick at Atlanta Hawks sa draft pa lamang dahil sa kanyang buhaghag na buhok at kilala rin siyang mahusay na blocker.
Ngunit maghihintay pa ang NBA fans na regular na masilayan ang galing ni Nogueira.
Matapos papirmahin si journeyman Gustavo Ayon, tila pananatilihin pa ng Hawks ang kanilang rookie sa Spain ng isa pang season, ayon sa ulat ng Atlanta Journal-Constitution.
Nais ng Hawks na paghusayin pa ni Nogueira ang kanyang laro at palakasin ang kanyang katawan.
Nagpakitang-gilas si Nogueira gamit ang kanyang height at reach sa paglalaro para sa Hawks sa nakaraang Las Vegas Summer League. Ngunit sa bigat na 225 pounds, binabalya lamang siya sa boards ng kanyang mga kapwa draftees at iba pang naghahangad na maimbitahan sa training camp.
Iniisip ng Hawks kung bibigyan muna nila ng pagkakataong mag-improve si Nogueira at lumaro ng mas mahabang oras sa overseas kaysa lumaro ng limi-tadong oras habang nasa weight-training program sa Atlanta. Dagdag pa ang pagdating ni Ayon na nakuha lamang sa $1.5 million suweldo.
Sinabi ni Nogueira noon na mas gusto niyang manatili sa United States.
“Everybody talks to me about this,†ani Nogueira. “If I stay here, I’m happy. But if I need to go back I’m happy too because in Spain everybody believes in me. I’ve lived … in Spain and I know my club and everybody knows me. I’m happy. I know I can improve my game in Spain. â€
- Latest