Pagkakataon na ni Mark Cruz
MANILA, Philippines - Sa dalawang sunod na seasons, laging panuporta lamang si Letran guard Mark Cruz kina Kevin Alas at Franz Dysam.
Ngayon ay nasa kanya na ang spotlight matapos magdesisyon si Alas na huwag nang ilaro ang kanyang final year sa Knights at ang hindi inaasahang pamamaril kay Dysam.
Si Cruz ay nagtala ng back-to-back 20-point games upang tulungan ang Letran na manati-ling walang talo sa 89th National Collegiate Athletic Association (NCAA) upang igawad sa kanya ang ACCEL/3XVI-Player of the Week honors na suportado rin ng Gatorade.
Ang 21-gulang na Management major ay lumaro ng kanyang pinakamagandang game sa 87-68 demolisyon ng Letran sa Mapua na ikapitong sunod na panalo ng Knights.
Sa panalong ito, tumapos si Cruz ng 22 points mula sa impresibong 10-of-17 shooting sa field, eight-of-12 sa two-point range.
Humatak din si Cruz ng 10 rebounds-- nine sa defensive end—kasama ang five assists at four steals sa 29 minutong aksiyon.
“Nakuha ko na ang kumpiyansa ko sa last game at nagsisilbing ins-pirasyon ko din ang message sa akin ni Franz na ipagpatuloy ko ang magandang laro ko,†sabi ni Cruz na nagtala rin ng 25 points sa 67-57 panalo ng Letran kontra sa Arellano noong Sabado.
Umani ng papuri si Cruz mula kay Letran coach Caloy Garcia.
“Mark knows what his role is with the team. I’m really thankful that he has stepped up and making those big shots,†sabi ni Garcia.
Nominado rin para sa lingguhang citation na ibinibigay ng mga media na komokober ng liga sina Jordan Dela Paz ng Jose Rizal University at Baser Amer ng defending champion San Beda.
- Latest