^

PM Sports

Scola ibinigay ng Suns sa Pacers

Pang-masa

PHOENIX – Pinalakas ng Indiana Pacers ang kanilang front-line sa pagkuha kay Luis Scola mula sa Phoenix Suns.

Ibinigay ng Pacers sina forward Gerald Green, center Miles Plumlee at lottery-protected first-round draft pick sa nagre-rebuilt na Suns.

Lumaro si Scola,  6-foot-9 forward mula sa Argentina, ng kanyang unang limang NBA seasons sa Houston Rockets bago napunta ng Phoenix noong nakaraang taon nang ang Suns ang nakapagsumite ng winning bid sa ilalim ng amnesty rule ng liga.

Lumaro siya sa lahat ng 82 games ng Suns at nag-average ng 12.8 points at 6.6 rebounds. Ikalimang beses ito sa kanyang career na nakalaro siya sa lahat ng games.

Si Scola, nag-average ng 14.2 points at 7.5 rebounds sa kanyang NBA career,  ay napasama sa team na inaasahang magiging contender sa Eastern Conference matapos lumaro sa Suns na nagsumite ng pinakamasamang record sa Western Conference at second-worst sa history ng kanilang prangkisa.

EASTERN CONFERENCE

GERALD GREEN

HOUSTON ROCKETS

IBINIGAY

INDIANA PACERS

LUIS SCOLA

LUMARO

MILES PLUMLEE

PHOENIX SUNS

SI SCOLA

WESTERN CONFERENCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with